Gospel for the day
- Mari Yohan Bar Thoma
- Oct 28, 2021
- 2 min read
Kapistahan nina San Simon at San Judas, mga Apostol October 28, 2021 Lucas 6, 12-19 Sa Ngalan ng Ama, at Ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen Buksan mo ang aming mga labi at pupurihin ka ng aking bibig Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo Kapara noong una, ngayon, magpakailanman at magpasawalang hanggang. Amen Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas Noong mga araw na iyon, umahon si Hesus sa isang burol at magdamag doong nanalangin. Kinaumagahan, tinawag niya ang kanyang mga alagad, at pumili siya ng Labindalawa sa kanila, na tinawag niyang mga apostol: si Simon na pinangalanan niyang Pedro, at si Andres na kanyang kapatid; sina Santiago, Juan, Felipe, Bartolome, Mateo, Tomas, at Santiago na anak ni Alfeo, si Simon ang Makabayan; si Judas na anak ni Santiago, at si Judas Iscariote, na naging taksil. Bumaba si Hesus, kasama sila, at tumayo sa isang patag na lugar. Naroon ang marami sa kanyang mga alagad at ang napakaraming tao buhat sa Judea at Jerusalem, at sa mga bayan sa baybaying-dagat ng Tiro at Sidon. Pumaroon sila upang makinig sa kanya at mapagaling sa kanilang mga karamdaman. Pinagaling din niya ang mga pinahihirapan ng masasamang espiritu. At sinikap ng lahat ng tao na mahipo siya sapagkat may taglay siyang kapangyarihang makapagpagaling ng lahat. Ang Mabuting Balita ng Panginoon. Espiritual na Pakikinabang O Hesus ko, naniniwala ako na ikaw ay tunay na naririyan sa Banal na Sakramento. Minamahal Kita ng higit sa lahat at ninanais ko na Ikaw ay tanggapin sa aking kaluluwa. Bagama’t sa sandaling ito ay hindi Kita matatanggap sa paraang sakramental, pumarito ka man lamang sa aking puso sa paraang espiritwal. Tinatanggap Kita na Ikaw na naririto at buong puso akong nakikipag-isa sa Iyo. Huwag mong pahintulutang ako’y mapahiwalay sa Iyo. Amen. Pagpalain tayo ng Makapangyarihang Diyos Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo Lumukob nawa sa atin at manatili sa atin magpakailanman. Amen Ctto picture







Comments